Isang araw nanaman ang lumipas sa buhay ng isang taga ospital. Mahirap talaga kung ang mga makakasalamuha mo ay may sakit. Andyan yung mahihina ang loob nila, nag tataray at nagmamagaling sila, kasi nga mayroon na silang iniindang sakit. Maari mo namang mapagbigyan ang mga bagay na iyon, mayroon lang talagang mahirap palampasin lalo na kung parang sa tingin mo ay sumusobra na sila.
Aminado naman ako na mainitin ang ulo ko. Lagi na lang akong naiinis kapag may mga pasyente na hindi makaintindi. Pero kinikimkim ko na lang iyon sa sarili ko o sinasabi ko sa mga katrabaho ko. Minsan may isang beses na hindi ko na kinaya at tumaas na ang boses ko. Napakakulit kasi ng pasyente. Nagagalit siya sa akin dahil lagi ko siyang kinukuhanan ng dugo. Makailang beses ko nang sinabi sa kanya na ang doktor niya ang may utos noon at hindi naman ako ang may gusto. Maari namang sabihin niya sa doktor niya na ayaw na niyang magpakuha ng dugo. Sa kahulihan ako pa ang napagsabihan ng doktor na hindi ko ini explain sa pasyente kung para saan yung test e napaka imposibleng hindi ko yun na explain. Hay talaga nga naman oh. Eto pa ung mga ilang mga nakakatawa at nakakainis na ma raranasan mo araw araw:
SA KABILANG PINTUAN NA LAMANG PO - all caps at bold na nga ang naka post sa may pintuan, patuloy pa rin ang pagpupumilit pumasok ng mga tao. Sige subukan nyo pong kumatok at itulak ang pinto, sa kabilang dulo po kasi ay may napakalaking machine na hindi kayang mabuhat ng iisang tao lang.
EXTRACTION AREA - siguro po hindi dito ang pa examine ng urine, kung gusto nyo pong i aspirate yang pantog nyo po e pwede na po siguro.
PAKI SABI NA LANG PO NG PANGALAN - ung sisigawan ka pa ng mga pasyente, "AYAN NA NGA OH NAKASULAT". Opo, kelangan lang po naming malaman kung tugma ung pangalan ng nasa papel at pangalan ng pasyente. Hindi nyo na po kailangan sumigaw. Minsan din kasi ay hindi mo mabasa ang nakasulat sa papel. Medyo magagandang magsulat kasi ang mga doktor.
ANO PONG ORAS ANG HULING KAIN? - "KAGABI PA". Oras po ba ang kagabi pa? Isama na rin natin ang ANO PONG ORAS INIHI/IDINUMI? - "KANINA LANG". Sige po, Time: Kanina lang PM.
Minsan makaka experience ka din ng drama, yung tipong may teenager, nalaman na buntis ng magulang. Aruy ko. Wala nang magagawa si nanay at iiyak na lamang. Kung sa bahay nangyari siguro yun ay aksyon ang tema. "Ikaw babae ka, napaka bata mo pa, nag buntis ka na agad *pak*". Mayroon naman na mga pasyente na ayaw ipaalam sa mga kamag anak na nabuntis sila ng hindi nila asawa. Makati!.
Ewan ko rin ba. Basta eto, araw araw kelangan kong kumayod para naman may ipang tustos. Mabuti na lang mayroon ding pasyente na maintindihan. Lalo na yung mga lola na malambing. Yung tatanungin ka pa kung nakakain ka na. Yung nagpapasalamat sa pag alaga mo sa kanya. Hay! Minsan, yun na lang yung magpapasaya sa araw mo. Magpapawala sa pagod mo at init ng ulo sa mga pasyenteng mahirap pakiusapan. Okay na rin na ito ang trabaho ko. Hindi yung kailangan kong makihalubilo ng matagal sa pasyente at mga doktor. Sana lang mas humaba yung pasensya ko. Hindi ko rin kasi masasabi, yung mga taong pinag sungitan ko pala, sila din sa bandang huli yung lalapitan ko.
Thursday, May 29, 2014
Saturday, May 24, 2014
Social Media
Before it was Friendster, Myspace, Multiply, Messengers like AOL, Yahoo and MSN. When I was in high school we used to have our conversations after school with Yahoo Messenger. We would talk about our homework or chat, if we get bored, we would play games from the games section on Yahoo Messenger. Friendster was one of the most popular sites among teenagers. One could change the layout of his/her profile for others to see. They can add songs, pictures, gifs and other widgets just to get make ones profile unique. I can say that the most "in" thing back then was the testimonials. Where you can say something about your friend and post them in their profile.
Many sites and apps are now available to connect us with our friends and loved ones. One of my favorite apps would be Twitter. I check it almost everyday. I can get a lot of content from the ones I follow may it be news, weather and traffic updates, games, and even artists. To name a few, here are two of my favorite accounts in Twitter.
Senyora Santibanez
She never fails to amuse me. She would always rant about anyone who gets in her way. She would post random tweets from people with errors on spelling and grammar. Her tweets are so famous that it would trend in the Philippines or even worldwide. She would use #HuleNiSenyora, #Hampaslupa, and many other hashtags that her followers would tweet too. I find it entertaining in a way though some people might disagree with me. I just hope she wouldn't look into my tweets and retweet it.
P.S. I know that some of my back posts are grammatically incorrect. I would rather not edit it. Those were my entry when I was in high school and it makes me smile and think that I published those not realizing my errors.
Marian Rivera-Dantes
This is a parody account of one of the hottest female celebrities in the Philippines. Some people would actually ask the user of the account if she is the real Marian Rivera. Maybe it's not clear to them what a parody account is. She tweets on current events, complaints in the society, random tweets to actors and a whole lot more.
Whenever I read posts from these twitter accounts, my day would brighten up. It gives me a good laugh. I just hope to read more from these two.
There are a lot of useful things from social media. It has been used to inform people with current events. An example is the formation of the Million People March which gathered Filipinos to fight against the corruption in the government. One cannot deny the importance of social media but let us not forget that it can also be used to spread inaccurate and baseless information. So let us #ThinkBeforeWeClick and together we could make the cyberspace a better place.

Friday, May 23, 2014
Preparing for the Medical Technology Board Examination
Dahil recently ako ay nakapasa sa isang professional licensure exam,
maganda lamang na simulan ko ang blog na ito sa magandang pangyayari sa
buhay ko. Isa lamang akong ordinaryong tao, may gustong marating sa
buhay, magkaroon ng pamilya at magkaroon ng stable na trabaho. Isang
taon na nang makatapos ako ng aking pag aaral sa kolehiyo. Nakatapos ako
ng kursong Bachelor of Medical Laboratory Science sa isang Adventist
School. Masasabi kong hindi naman ako karunungan noong ako ay nag aaral
pa. Lagi akong bumabagsak sa mga exams pero nakaka maintain parin ng B
at B- na grades, syempre mahirap na maka A kapag di ka nag aaral. Tamang
basa at saulo lng ako ng mga bagay na makakatulong sakin sa pag aaral.
Fast forward tayo sa present. Ako ngayon ay nagtatrabaho sa isang maliit na ospital bilang isang Medical Technologist. Gaya nga ng nabanggit ko noong una, ka papasa ko pa lang nitong March 2014. Isang taon din akong nag antay ng pagkakataong makapasa dahil na rin sa may Saturday ang board exam tuwing September. Nag intay pa ako hanggang March upang makakuha ng exam. Sa isang taon kong pagka graduate ay nag trabaho ako, natulog, kumain, nagpataba, nagkaroon ng bagong kaibigan, umibig, sumaya, nalungkot at na off topic nanaman ako.
Eto na ang mga paraan upang ikaw ay makapasa sa boards. Sana ay makatulong sayo ang mga bagay na ito.
1. Mag aral para sa darating na board exam.
Alam mo naman sa sarili mo na ikaw ay tapos na sa pag aaral sa kursong BSMT o BMLS o BSPH(UP lang meron nyan). Maaari ka nang kumuha ng board exam para magamit sa pag ta trabaho. Isaalang alang mo ang mga pinag hirapan mo sa loob ng apat na taon(kung regular ka) o higit pa na oras mo sa pag aaral. Ang board exam para sa MedTech ay 2 araw lang. Ipapatalo mo ba sa dalawang araw ang maramaing taon mo ng pag aaral?
May mga school na nag rerequire o may kasama nang in house review sa curriculum, pwede ka namang mag review center. Kung sa tingin mo naman na mas okay na mag aral ka sa sarili mo ay walang problema. Nag review center ako, sa Pioneer Education Review Center . Isa ito sa magaling na review center para sa MT Boards at ASCPi(isa itong international na examination). Syempre kailangan mo ng kaunting halaga sa presyong medyo abot kaya(mga 9000) para sa mga review center pero nag bibigay naman sila ng discounts para sa mga may Latin honors. Mga mahigit isang buwan ang itatagal ng review mo kaya subukan mo nang kunin at i absorb lahat ng matututunan dito. Isang tip para sa mag rereview ay maghanap kayo ng malapit na bahay o matitirhan sa review center na papasukan nyo. Pagod na nga kayo sa pag aaral ay mapapagod pa kayo sa pag byahe papunta o pauwi. Nakaka ubos talaga ng laman ng utak ang pag rereview. May mga araw na half day lang kayo, kaya gamitin mo ito para mag relax. Ika nga nila, "All work and no play makes Jack a dull boy". Huwag naman na pulos aral ka. Mag singit ka din ng araw para maka gala kasama ang mga kaibigan at pamilya. Pero huwag naman ung pulos gala. Isipin mo na pangarap at kinabukasan mo ang nakasasalay sa pag aaral mo.
Kung may pagkakataon, buong review ay pasukan mo. Mabuti na yung marami kang ma pasukang klase. Nag leave muna ako sa trabaho para lang makapag review sa first batch noon. Pero may mga pagkakataon na kinakailangan kong mag duty sa ospital. Sa Pioneer, libre na yung pag aaral mo sa second batch basta di ka pa nag ta-take ng exam.
2. Reviewers at Pointers para sa Boards
Kung mapapadaan ka sa may PRC, makikita mo ang mga bangketang nagbebeta ng mga reviewers. hindi ko sa'yo to marerekomenda. Mas mabuti pa ang mga reviewers na makukuha mo sa review center, mga reviewers mo nung college ka, at mga libro(kung gumamit ka man) na reference nyo. Kung may budget ka, bumili ka ng hardbound/softbound na libro. Kung mas gusto mo namang walang dalang mabigat na libro, mga ebooks. Pwede ka bumili o mag download na lang ng free ebooks. Kung may time ka pang mag basa ng libro, basahin mo. Mas malawak ang matututunan mo kaysa sa mga review notes na lang. Kung mga dalawang buwan pa bago ang board exam, basahin mo na ang mga review notes. Kung ilang linggo na lang bago mag boards, mga sample questions at exam papers mo nung college ang pag praktisan mo. Sabi nila, tumigil ka na daw mag aral kapag mga 2 days before the exam na lang. Hindi ko yun sinunod.
Ito yung ilang mga libro na nagamit ko nung review for boards. Binuhat ko lang sila para pang weights para naman may exercise ako.
Kung ikaw ay organized na tao, mag schedule ka ng subjects na aaralin mo, at oras na igugugol mo sa isang araw. Kung may mga bagay na hindi ka naiintindihan, itanong mo sa classmates mo, paulit ulitin mo hanggang sa maintindihan mo. Pag di mo na kaya, skip ka muna, pero wag mong kakalimutang balikan ung topic na yon. Para sakin, lab math yung hindi ko masyadong pinag tuunan ng pansin. Mga ilang araw bago ang exam ko na lang sya binalikan. Pwede kang gumamit ng calculator sa examination day. Ito yung list ng calculators na pwedeng gamitin Allowable Calculators
3. Mag apply online sa PRC para sa examination
Bago ka sumugod sa PRC, kailangan mo munang mag apply online. Ang deadline ng application ay 20 days bago mag board exam. Ayusin mo na rin at kumpletuhin ang mga requirements para sa application mo gaya ng:
Transcript of Records na may scanned picture mo at "For Boards purposes Only" na nakalagay. Isa yan sa mga pahirapang kunin sa school. Depende sa school ung releasing date nila ng mga documents upon your request. Meron pa kasing "processing time" na hindi naman talaga inaabot ng ganoon ka tagal. Minsan nga kung kelan mo lang binalikan dahil yun ung sabing release date e dun pa lang nila gagawin.Nilalangaw lang yan sa desk ng admin at tinatambak. Mas gusto pa nilang mag tsismisan bago gawin ang trabaho nila.
Original copy ng NSO, samahan mo na din ng galing sa Local Civil registrar pag malabo ang kopya. Dahil ilang araw pa lang ang nakakalipas ng nagpagawa ako ng passport, naipasa ko ang original copy ng birth certificate ko sa DFA. Kinailangan ko pang kumuha ulit ng NSO. Maling hakbang. Ang hirap talaga mag transact sa government institutions. Kailangan mong pumila ng maaga para lang makakuha ng document na kailangan mo. Minsan kasi may cut-off time sila. Kahit pumila ka ng maaga, may mas aaga pa sa'yo kaya di maiiwasan ang napag kahaba habang pila.
Two(2) Copies of Passport size Pictures na white ang background at may name tag. Isang tip para sayo, medyo
damihan mo na ang passport size pics mo. Kapag nakapasa ka kasisa boards,
magsu submit ka ulit ng picture. Siguraduhin mong wala kang salamin kapag
nagpa picture ka kung gusto mong makuha ang lisensya mo sa release date. Di
ko kasi nakuha yung akin sa oath taking dahil rejected yung picture ko.
Pag balik ko ng PRC, di daw pede un sa ID kasi mag mumukhang black eye
kapag ini-scan nila.
Cedula na makukuha sa inyong munisipyo. Maaari ka ring kumuha nito sa loob ng PRC, mga worth 10php. Wag na wag mo yang iwawala. Gagamitin mo rin yan kapag naka pasa ka. Requirement yan para sa initial registration ng board passers. Hindi rin bukas maghapon angbilihan pagawaan ng sedula kaya kapag medyo mag aalas singko ka na dumating sa PRC, sa Manila City Hall(pinakamalapit) ka na makakakuha nun.
Fee 900php ang exam fee para sa Medical Technology Exam. Buti na lang nag tatrabaho na ako kaya nakapag bayad ako.
Kapag nakumpleto mo na ang mga requirements, pwede ka nang sumugod sa PRC. Pagka apply, mag aral ka na lang ulit.
4. Magtiwala ka lang sa Kanya. Totoo ito, ang board exam ata ay isang test of faith. Kung alam mo sa sarili mo na nagawa mo na ang lahat ng paghahanda para sa board exam, isa Diyos mo na ang mga bagay. Mag pray ka lang ng mabuti. Di naman sa pagmamayabang, sa school na pinanggalingan ko, halos lahat nakakapasa. Kahit maunti lang yung graduate, halos lahat ng nag take ng boards(ung iba kasi Indo), pumapasa. Medyo may mga nag to-top din. Kami sa batch namin ang pinaka maraming takers sa History ng School namin, 37, plus may isang repeater na hindi naman nag take sa di malamang kadahilanan. One hundred pa rin yung passing rate namin kasi hindi counted ung di nag exam na repeater.
Sa tingin ko naman, sa nabasa mo ay napulot ka. Kaya masaya na rin ako na naibahagi ko to sa'yo. Hanggang sa muli kong post.
Fast forward tayo sa present. Ako ngayon ay nagtatrabaho sa isang maliit na ospital bilang isang Medical Technologist. Gaya nga ng nabanggit ko noong una, ka papasa ko pa lang nitong March 2014. Isang taon din akong nag antay ng pagkakataong makapasa dahil na rin sa may Saturday ang board exam tuwing September. Nag intay pa ako hanggang March upang makakuha ng exam. Sa isang taon kong pagka graduate ay nag trabaho ako, natulog, kumain, nagpataba, nagkaroon ng bagong kaibigan, umibig, sumaya, nalungkot at na off topic nanaman ako.
Eto na ang mga paraan upang ikaw ay makapasa sa boards. Sana ay makatulong sayo ang mga bagay na ito.
1. Mag aral para sa darating na board exam.
Alam mo naman sa sarili mo na ikaw ay tapos na sa pag aaral sa kursong BSMT o BMLS o BSPH(UP lang meron nyan). Maaari ka nang kumuha ng board exam para magamit sa pag ta trabaho. Isaalang alang mo ang mga pinag hirapan mo sa loob ng apat na taon(kung regular ka) o higit pa na oras mo sa pag aaral. Ang board exam para sa MedTech ay 2 araw lang. Ipapatalo mo ba sa dalawang araw ang maramaing taon mo ng pag aaral?
May mga school na nag rerequire o may kasama nang in house review sa curriculum, pwede ka namang mag review center. Kung sa tingin mo naman na mas okay na mag aral ka sa sarili mo ay walang problema. Nag review center ako, sa Pioneer Education Review Center . Isa ito sa magaling na review center para sa MT Boards at ASCPi(isa itong international na examination). Syempre kailangan mo ng kaunting halaga sa presyong medyo abot kaya(mga 9000) para sa mga review center pero nag bibigay naman sila ng discounts para sa mga may Latin honors. Mga mahigit isang buwan ang itatagal ng review mo kaya subukan mo nang kunin at i absorb lahat ng matututunan dito. Isang tip para sa mag rereview ay maghanap kayo ng malapit na bahay o matitirhan sa review center na papasukan nyo. Pagod na nga kayo sa pag aaral ay mapapagod pa kayo sa pag byahe papunta o pauwi. Nakaka ubos talaga ng laman ng utak ang pag rereview. May mga araw na half day lang kayo, kaya gamitin mo ito para mag relax. Ika nga nila, "All work and no play makes Jack a dull boy". Huwag naman na pulos aral ka. Mag singit ka din ng araw para maka gala kasama ang mga kaibigan at pamilya. Pero huwag naman ung pulos gala. Isipin mo na pangarap at kinabukasan mo ang nakasasalay sa pag aaral mo.
Kung may pagkakataon, buong review ay pasukan mo. Mabuti na yung marami kang ma pasukang klase. Nag leave muna ako sa trabaho para lang makapag review sa first batch noon. Pero may mga pagkakataon na kinakailangan kong mag duty sa ospital. Sa Pioneer, libre na yung pag aaral mo sa second batch basta di ka pa nag ta-take ng exam.
2. Reviewers at Pointers para sa Boards
Kung mapapadaan ka sa may PRC, makikita mo ang mga bangketang nagbebeta ng mga reviewers. hindi ko sa'yo to marerekomenda. Mas mabuti pa ang mga reviewers na makukuha mo sa review center, mga reviewers mo nung college ka, at mga libro(kung gumamit ka man) na reference nyo. Kung may budget ka, bumili ka ng hardbound/softbound na libro. Kung mas gusto mo namang walang dalang mabigat na libro, mga ebooks. Pwede ka bumili o mag download na lang ng free ebooks. Kung may time ka pang mag basa ng libro, basahin mo. Mas malawak ang matututunan mo kaysa sa mga review notes na lang. Kung mga dalawang buwan pa bago ang board exam, basahin mo na ang mga review notes. Kung ilang linggo na lang bago mag boards, mga sample questions at exam papers mo nung college ang pag praktisan mo. Sabi nila, tumigil ka na daw mag aral kapag mga 2 days before the exam na lang. Hindi ko yun sinunod.
Ito yung ilang mga libro na nagamit ko nung review for boards. Binuhat ko lang sila para pang weights para naman may exercise ako.
- URINALYSIS AND BODY FLUIDS by Strasinger 5th ed
- CLINICAL CHEMISTRY - TECHNIQUES, PRINCIPLES, CORRELATIONS by Bishop 6th ed
- Modern Blood Banking & Transfusion Practices (Modern Blood Banking and Transfusion Practice) by Denise Harmening
- Philippine Textbook of Medical Parasitology by Vicente Y. Belizario, Jr. and Winifreda U. de Leon
- Clinical Laboratory Science Review by Robert Harr
- Medical Technology Examination Review and Study Guide by Anna Ciulla
- PER Handbook binili ko lang ito sa may Mendiola pag baba mo ng overpass.
- Clinical Laboratory Science Review: A Bottom Line Approach by Theriot
Kung ikaw ay organized na tao, mag schedule ka ng subjects na aaralin mo, at oras na igugugol mo sa isang araw. Kung may mga bagay na hindi ka naiintindihan, itanong mo sa classmates mo, paulit ulitin mo hanggang sa maintindihan mo. Pag di mo na kaya, skip ka muna, pero wag mong kakalimutang balikan ung topic na yon. Para sakin, lab math yung hindi ko masyadong pinag tuunan ng pansin. Mga ilang araw bago ang exam ko na lang sya binalikan. Pwede kang gumamit ng calculator sa examination day. Ito yung list ng calculators na pwedeng gamitin Allowable Calculators
3. Mag apply online sa PRC para sa examination
Bago ka sumugod sa PRC, kailangan mo munang mag apply online. Ang deadline ng application ay 20 days bago mag board exam. Ayusin mo na rin at kumpletuhin ang mga requirements para sa application mo gaya ng:
Transcript of Records na may scanned picture mo at "For Boards purposes Only" na nakalagay. Isa yan sa mga pahirapang kunin sa school. Depende sa school ung releasing date nila ng mga documents upon your request. Meron pa kasing "processing time" na hindi naman talaga inaabot ng ganoon ka tagal. Minsan nga kung kelan mo lang binalikan dahil yun ung sabing release date e dun pa lang nila gagawin.
Original copy ng NSO, samahan mo na din ng galing sa Local Civil registrar pag malabo ang kopya. Dahil ilang araw pa lang ang nakakalipas ng nagpagawa ako ng passport, naipasa ko ang original copy ng birth certificate ko sa DFA. Kinailangan ko pang kumuha ulit ng NSO. Maling hakbang. Ang hirap talaga mag transact sa government institutions. Kailangan mong pumila ng maaga para lang makakuha ng document na kailangan mo. Minsan kasi may cut-off time sila. Kahit pumila ka ng maaga, may mas aaga pa sa'yo kaya di maiiwasan ang napag kahaba habang pila.
Pila mga bandang alas Siyete sa NSO, Trece Martirez City, Cavite |
Cedula na makukuha sa inyong munisipyo. Maaari ka ring kumuha nito sa loob ng PRC, mga worth 10php. Wag na wag mo yang iwawala. Gagamitin mo rin yan kapag naka pasa ka. Requirement yan para sa initial registration ng board passers. Hindi rin bukas maghapon ang
Fee 900php ang exam fee para sa Medical Technology Exam. Buti na lang nag tatrabaho na ako kaya nakapag bayad ako.
Kapag nakumpleto mo na ang mga requirements, pwede ka nang sumugod sa PRC. Pagka apply, mag aral ka na lang ulit.
4. Magtiwala ka lang sa Kanya. Totoo ito, ang board exam ata ay isang test of faith. Kung alam mo sa sarili mo na nagawa mo na ang lahat ng paghahanda para sa board exam, isa Diyos mo na ang mga bagay. Mag pray ka lang ng mabuti. Di naman sa pagmamayabang, sa school na pinanggalingan ko, halos lahat nakakapasa. Kahit maunti lang yung graduate, halos lahat ng nag take ng boards(ung iba kasi Indo), pumapasa. Medyo may mga nag to-top din. Kami sa batch namin ang pinaka maraming takers sa History ng School namin, 37, plus may isang repeater na hindi naman nag take sa di malamang kadahilanan. One hundred pa rin yung passing rate namin kasi hindi counted ung di nag exam na repeater.
Sa tingin ko naman, sa nabasa mo ay napulot ka. Kaya masaya na rin ako na naibahagi ko to sa'yo. Hanggang sa muli kong post.
Subscribe to:
Posts (Atom)