Friday, May 23, 2014

Preparing for the Medical Technology Board Examination

Dahil recently ako ay nakapasa sa isang professional licensure exam, maganda lamang na simulan ko ang blog na ito sa magandang pangyayari sa buhay ko. Isa lamang akong ordinaryong tao, may gustong marating sa buhay, magkaroon ng pamilya at magkaroon ng stable na trabaho. Isang taon na nang makatapos ako ng aking pag aaral sa kolehiyo. Nakatapos ako ng kursong Bachelor of Medical Laboratory Science sa isang Adventist School. Masasabi kong hindi naman ako karunungan noong ako ay nag aaral pa. Lagi akong bumabagsak sa mga exams pero nakaka maintain parin ng B at B- na grades, syempre mahirap na maka A kapag di ka nag aaral. Tamang basa at saulo lng ako ng mga bagay na makakatulong sakin sa pag aaral.

 Fast forward tayo sa present. Ako ngayon ay nagtatrabaho sa isang maliit na ospital bilang isang Medical Technologist. Gaya nga ng nabanggit ko noong una, ka papasa ko pa lang nitong March 2014. Isang taon din akong nag antay ng pagkakataong makapasa dahil na rin sa may Saturday ang board exam tuwing September. Nag intay pa ako hanggang March upang makakuha ng exam. Sa isang taon kong pagka graduate ay nag trabaho ako, natulog, kumain, nagpataba, nagkaroon ng bagong kaibigan, umibig, sumaya, nalungkot at na off topic nanaman ako.

Eto na ang mga paraan upang ikaw ay makapasa sa boards. Sana ay makatulong sayo ang mga bagay na ito.

 1. Mag aral para sa darating na board exam.
Alam mo naman sa sarili mo na ikaw ay tapos na sa pag aaral sa kursong BSMT o BMLS o BSPH(UP lang meron nyan). Maaari ka nang kumuha ng board exam para magamit sa pag ta trabaho. Isaalang alang mo ang mga pinag hirapan mo sa loob ng apat na taon(kung regular ka) o higit pa na oras mo sa pag aaral. Ang board exam para sa MedTech ay 2 araw lang. Ipapatalo mo ba sa dalawang araw ang maramaing taon mo ng pag aaral?

May mga school na nag rerequire o may kasama nang in house review sa curriculum, pwede ka namang mag review center. Kung sa tingin mo naman na mas okay na mag aral ka sa sarili mo ay walang problema. Nag review center ako, sa  Pioneer Education Review Center . Isa ito sa magaling na review center para sa MT Boards at ASCPi(isa itong international na examination). Syempre kailangan mo ng kaunting halaga sa presyong medyo abot kaya(mga 9000) para sa mga review center pero nag bibigay naman sila ng discounts para sa mga may Latin honors. Mga mahigit isang buwan ang itatagal ng review mo kaya subukan mo nang kunin at i absorb lahat ng matututunan dito. Isang tip para sa mag rereview ay maghanap kayo ng malapit na bahay o matitirhan sa review center na papasukan nyo. Pagod na nga kayo sa pag aaral ay mapapagod pa kayo sa pag byahe papunta o pauwi. Nakaka ubos talaga ng laman ng utak ang pag rereview. May mga araw na half day lang kayo, kaya gamitin mo ito para mag relax. Ika nga nila, "All work and no play makes Jack a dull boy". Huwag naman na pulos aral ka. Mag singit ka din ng araw para maka gala kasama ang mga kaibigan at pamilya. Pero huwag naman ung pulos gala. Isipin mo na pangarap at kinabukasan mo ang nakasasalay sa pag aaral mo.
Kung may pagkakataon, buong review ay pasukan mo. Mabuti na yung marami kang ma pasukang klase. Nag leave muna ako sa trabaho para lang makapag review sa first batch noon. Pero may mga pagkakataon na kinakailangan kong mag duty sa ospital. Sa Pioneer, libre na yung pag aaral mo sa second batch basta di ka pa nag ta-take ng exam.

2. Reviewers at Pointers para sa Boards
Kung mapapadaan ka sa may PRC, makikita mo ang mga bangketang nagbebeta ng mga reviewers. hindi ko sa'yo to marerekomenda. Mas mabuti pa ang mga reviewers na makukuha mo sa review center, mga reviewers mo nung college ka, at mga libro(kung gumamit ka man) na reference nyo. Kung may budget ka, bumili ka ng hardbound/softbound na libro. Kung mas gusto mo namang walang dalang mabigat na libro, mga ebooks. Pwede ka bumili o mag download na lang ng free ebooks. Kung may time ka pang mag basa ng libro, basahin mo. Mas malawak ang matututunan mo kaysa sa mga review notes na lang. Kung mga dalawang buwan pa bago ang board exam, basahin mo na ang mga review notes. Kung ilang linggo na lang bago mag boards, mga sample questions at exam papers mo nung college ang pag praktisan mo. Sabi nila, tumigil ka na daw mag aral kapag mga 2 days before the exam na lang. Hindi ko yun sinunod.

 Ito yung ilang mga libro na nagamit ko nung review for boards. Binuhat ko lang sila para pang weights para naman may exercise ako.
  • URINALYSIS AND BODY FLUIDS by Strasinger 5th ed
  • CLINICAL CHEMISTRY - TECHNIQUES, PRINCIPLES, CORRELATIONS by Bishop 6th ed
  • Modern Blood Banking & Transfusion Practices (Modern Blood Banking and Transfusion Practice) by Denise Harmening
  •  Philippine Textbook of Medical Parasitology by Vicente Y. Belizario, Jr. and Winifreda U. de Leon 
  • Clinical Laboratory Science Review by Robert Harr
  • Medical Technology Examination Review and Study Guide by Anna Ciulla
  • PER Handbook binili ko lang ito sa may Mendiola pag baba mo ng overpass.
  • Clinical Laboratory Science Review: A Bottom Line Approach by Theriot
Yan lang ang nahawakan kong tunay na libro. Marami pang iba, kung kaya mo, mag Henry's ka. Pinaka effective pa rin sakin ay ung mga nakuha ko sa review center at mga handbook namin nung college.

Kung ikaw ay organized na tao, mag schedule ka ng  subjects na aaralin mo, at oras na igugugol mo sa isang araw. Kung may mga bagay na hindi ka naiintindihan, itanong mo sa classmates mo, paulit ulitin mo hanggang sa maintindihan mo. Pag di mo na kaya, skip ka muna, pero wag mong kakalimutang balikan ung topic na yon. Para sakin, lab math yung hindi ko masyadong pinag tuunan ng pansin. Mga ilang araw bago ang exam ko na lang sya binalikan. Pwede kang gumamit ng calculator sa examination day. Ito yung list ng calculators na pwedeng gamitin Allowable Calculators

3. Mag apply online sa PRC para sa examination
 Bago ka sumugod sa PRC, kailangan mo munang mag apply online. Ang deadline ng application ay 20 days bago mag board exam. Ayusin mo na rin at kumpletuhin ang mga requirements para sa application mo gaya ng:  

Transcript of Records na may scanned picture mo at "For Boards purposes Only" na nakalagay. Isa yan sa mga pahirapang kunin sa school. Depende sa school ung releasing date nila ng mga documents upon your request. Meron pa kasing "processing time" na hindi naman talaga inaabot ng ganoon ka tagal. Minsan nga kung kelan mo lang binalikan dahil yun ung sabing release date e dun pa lang nila gagawin. Nilalangaw lang yan sa desk ng admin at tinatambak. Mas gusto pa nilang mag tsismisan bago gawin ang trabaho nila.

Original copy ng NSO, samahan mo na din ng galing sa Local Civil registrar pag malabo ang kopya. Dahil ilang araw pa lang ang nakakalipas ng nagpagawa ako ng passport, naipasa ko ang original copy ng birth certificate ko sa DFA. Kinailangan ko pang kumuha ulit ng NSO. Maling hakbang. Ang hirap talaga mag transact sa government institutions. Kailangan mong pumila ng maaga para lang makakuha ng document na kailangan mo. Minsan kasi may cut-off time sila. Kahit pumila ka ng maaga, may mas aaga pa sa'yo kaya di maiiwasan ang napag kahaba habang pila.
Pila mga bandang alas Siyete sa NSO, Trece Martirez City, Cavite
Two(2) Copies of Passport size Pictures na white ang background at may name tag. Isang tip para sayo, medyo damihan mo na ang passport size pics mo. Kapag nakapasa ka kasisa boards, magsu submit ka ulit ng picture. Siguraduhin mong wala kang salamin kapag nagpa picture ka kung gusto mong makuha ang lisensya mo sa release date. Di ko kasi nakuha yung akin sa oath taking dahil rejected yung picture ko. Pag balik ko ng PRC, di daw pede un sa ID kasi mag mumukhang black eye kapag ini-scan nila.

Cedula na makukuha sa inyong munisipyo. Maaari ka ring kumuha nito sa loob ng PRC, mga worth 10php. Wag na wag mo yang iwawala. Gagamitin mo rin yan kapag naka pasa ka. Requirement yan para sa initial registration ng board passers. Hindi rin bukas maghapon ang bilihan pagawaan ng sedula kaya kapag medyo mag aalas singko ka na dumating sa PRC, sa Manila City Hall(pinakamalapit) ka na makakakuha nun.

Fee 900php ang exam fee para sa Medical Technology Exam. Buti na lang nag tatrabaho na ako kaya nakapag bayad ako.

Kapag nakumpleto mo na ang mga requirements, pwede ka nang sumugod sa PRC. Pagka apply, mag aral ka na lang ulit.

4. Magtiwala ka lang sa Kanya. Totoo ito, ang board exam ata ay isang test of faith. Kung alam mo sa sarili mo na nagawa mo na ang lahat ng paghahanda para sa board exam, isa Diyos  mo na ang mga bagay. Mag pray ka lang ng mabuti. Di naman sa pagmamayabang, sa school na pinanggalingan ko, halos lahat nakakapasa. Kahit maunti lang yung graduate, halos lahat ng nag take ng boards(ung iba kasi Indo), pumapasa. Medyo may mga nag to-top din. Kami sa batch namin ang pinaka maraming takers  sa History ng School namin, 37, plus may isang repeater na hindi naman nag take sa di malamang kadahilanan. One hundred pa rin yung passing rate namin kasi hindi counted ung di nag exam na repeater.

Sa tingin ko naman, sa nabasa mo ay napulot ka. Kaya masaya na rin ako na naibahagi ko to sa'yo. Hanggang sa muli kong post.


4 comments:

Unknown said...
This comment has been removed by the author.
Kae Ann said...
This comment has been removed by the author.
Unknown said...

Malaking tulong po itong blog nyo. Godbless po

Mikee said...

Pwede po bang makahingi ng kahit onti lang pong notes na nakuha nyo po sa review center? Walang wala po kasi kami ngayon kaya hindi po ako makapag review center. Thank you po. Ang email ko po ay mikeemae_12@yahoo.com God bless po!

pahrak15

pahrak15
Hi!

Followers